- Resource Types
- Resource Languages
-
- Tagalog
- Institutional Repository
About Site Language
WHDL is viewable in multiple languages. Use the pull-down menu to select a language to view the site.
I changed my language, but I’m still seeing resources in the other languages?
If a resource or text has not been translated into your selected language, it will appear in the initially added language. We are always looking for help translating these resources. If you can help, contact us!
WHDL - 00017878
Ang kasaysayang ito ng Church of the Nazarene sa Pilipinas ay isang pagsasaad na tumatayo hindi sa sarili nitong karanasan, kakayahan,merito o anumang tagumpay. Ito ay munting bahagi lamang ng malaki at dakilang kasaysayan ng Kristiyanismo sa buong mundo. Isang kuwentong nakapaloob sa isang kuwento, wika nga. Ang kasaysayan ng Church of the Nazarene ay maituturing na isang hibla sa kamangha-manghang pagkakahabi ng Lumikha sa Kanyang planong Kaligtasan para sa sangkatauhan. Masasabi nating ang kasaysayan ng Church of the Nazarene sa Pilipinas ay isa lamang ningas o ilaw ng Banal na Apoy na nagmula sa Itaas na Silid (upper room) noong araw ng Pentekostes ayon sa pagsasaad sa Aklat ng mga Gawa. Ang Pentekostes ang naghudyat ng pagdating ng Banal na Espiritu at ng panimula ng pananambahang Kristiyano na nagsimula sa Jerusalem hanggang ito ay umabot sa Judea, Samaria at sa iba’t ibang malalayong bahagi ng mundo.